All content and recipes in this website unless stated otherwise are © Copyright Lutong Cavite™
No reproduction without prior permission.

Friday, April 24, 2026

Value of Work: π„πœπ‘π¨π¬ 𝐝𝐞π₯ π†πšπ₯𝐞𝐨𝐧 at 𝐄π₯ 𝐂𝐑𝐨𝐧𝐠𝐠𝐨 y 𝐄π₯ 𝐏𝐚𝐠𝐨𝐧𝐠



Hindi madali ang language advocacy. Higit pa ito sa paglikha at pagbebenta ng mga akda dahil ito ay tungkol sa maingat na dokumentasyon, sa pagbibigay-halaga sa proseso, at sa pagtiyak na ang bawat output ay nagsisilbing matibay na bahagi ng ating kolektibong alaala.
Ang mga zine at aklat tulad ng π„πœπ‘π¨π¬ 𝐝𝐞π₯ π†πšπ₯𝐞𝐨𝐧 at 𝐄π₯ 𝐂𝐑𝐨𝐧𝐠𝐠𝐨 y 𝐄π₯ 𝐏𝐚𝐠𝐨𝐧𝐠 ay hindi lamang simpleng publikasyon na ordinaryong panglatag sa mesa kasama ng ibang paninda. Sila ay mga milestone project na mga patunay ng patuloy na pagsisikap na mapanatili at mapalalim ang ating wika at kultura. Kapag ang mga ganitong likha ay hindi naipuwesto ayon sa kanilang tunay na halaga, nawawala ang pagkakataong higit pang mapalakas ang mensahe ng adbokasiya.
Ang π„πœπ‘π¨π¬ 𝐝𝐞π₯ π†πšπ₯𝐞𝐨𝐧 ay hindi lamang papel at tinta - ito ay dokumentasyon ng ating buhay na pamana. Kinilala na ito sa labas ng bansa, niyakap sa mga pandaigdigang espasyo, at naging mahalagang bahagi ng LHCN registration.
Ang 𝐄π₯ 𝐂𝐑𝐨𝐧𝐠𝐠𝐨 y 𝐄π₯ 𝐏𝐚𝐠𝐨𝐧𝐠 kahit hindi tayo ang personal na may-akda o gumuhit, ito ay bunga ng kolektibong pagsisikap ng marami para sa wikang Chabacano at hango sa panulat ni Dr. Jose Rizal. Parangal din ito sa legasiya ni Dr. Ike Escalante.
Isang paalala ito na ang continuity ay mahalaga. Ang bawat proyekto ay hindi dapat nagtatapos sa paglalabas lamang, kundi dapat sinusundan ng malinaw na direksyon kung paano ito palalalimin, palalawakin, at maipapamana.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...