Isang simpleng libro para sa mga bata ang orihinal na mithiin ng Lutogn Cavite, isang munting pangarap na sa kalaunan ay dinala tayo sa iba’t ibang landas hanggang sa lumaki at naging masalimuot. Sa paglawak ng ating misyon, hindi naiwasan ang ingay at gulo, ngunit tayo ay laging pipiliing kumapit at bumalik sa core ng kanyang pinagmulan - sa ating komunidad.
Matagal na tayong magkakasama sa pangangarap. Hindi biro ang mapanatili ang integridad sa mundong ito, lalo na’t hindi lahat ng nagsasalita ng wika ay matatawag na tunay na advocate. Sa tagal nating nakababad sa mundong ito at sa makukulay na mga personalidad, alam na natin kung sino ang mga sumasakay lamang dahil sa kagustuhang sumikat, sino ang mga nakatingin lamang sa kikitain o makikinabang ba, at sino ang mga nagmamarunong kahit mali-mali naman ang itinuturong Chabacano.
Masasayang ang oras, panahon, pagod, at resources kung puro emosyon ang pinaiiral, dikta ng mga ibang wala naman talagang pakialam at walang maayos na istruktura ang sinusundan. Kaya ang bawat materyal na inilalabas ng pahinang ito ay sinisiguro nating bahagi ng isang pundasyong binuo nang may katapatan at hindi basta-basta mapapaikot ng mga may pansariling interes.
Sa gitna ng mga hamong ito, lilitaw at lilitaw ang mga taong may totoong puso na siyang nagbibigay-lakas sa ating pagpapatuloy. Nagulat tayong nakaraang araw ng may isang gurong fluent speaker na hindi naman regular dito ngunit nag-DM at buong pusong nag-volunteer na magturo, isang patunay na ang tapat na layunin ay nakakahanap ng kakampi. 
Kasama rin natin ang isang guro na naging katuwang noon sa pagbuo ng Diccionario Chabacano sa ilalim ng asosasyon ng dating City Librarian na si Ms. Joy Dela Rosa. Ang diksyunaryong ito ay bunga ng mahigit tatlong taong pagsisikap ng huling grupo ng mga Chabacano educator-speakers—isang mahalagang ambag para sa preservasyon ng ating lenguaje.
Nalulungkot man tayo na may mga taong advocate kuno pero minamaliit ang mga ganitong obra ng ulit ulit at sinasabing wala itong halaga. Naninindigan ang pahinang ito na bawat aklat, bawat dokumentasyon, at bawat Chabacano output ay may importansiya. Ang mga ito ang nagsisilbing gabay, alaala, at pundasyon ng ating kultura para sa susunod na henerasyon.
Higit na nakakaantig ang mensahe mula sa isang guro na taga-Zamboanga na nag-volunteer din na magturo ng ating Chabacano, isang paalala na ang tunay na adbokasiya ay walang hangganan. Ang adbokasiya ay hindi isang maskarang isinusuot para lamang sa kamera kung kelan trip bumida at hinuhubad kapag tapos na ang palakpakan. Ito ay paninindigan sa core ng ating kultura, pag-akap sa kung ano ang mga mayroon tayong natitira kasabay ng tuloy tuloy na gawa at matapang na pagharap kung may mga unos at problema kasama ang mga dumadaming taong tunay na totoong may malasakit na ipagyabong ito muli.
𝐁𝐞𝐲𝐨𝐧𝐝 𝐓𝐡𝐞𝐨𝐫𝐲: 𝐓𝐡𝐞 𝐏𝐚𝐭𝐡 𝐅𝐨𝐫𝐰𝐚𝐫𝐝
Seeing the "ground proper" and comparing our two speaking communities in Cavite City and Ternate thru personal interviews using the language itself over the past months has been truly eye-opening. This firsthand experience allowed me to see our deep similarities, our distinct differences, and the shared problems we must face together if we are to move forward.
PACES (Passus) framework is part of the revitalization I wrote way back in 2024. It’s a measured, sequential path to ensure Chabacano doesn't just return, but thrives:
𝐏RINDI (Learn): Building the foundation of knowledge.
𝐀BRASA (Embrace): Moving from knowledge to community pride.
𝐂RECI (Grow): Expanding naturally within families and daily life.
𝐄DUCA (Educate): Integrating our tongue into formal curricula.
𝐒UBI (Rise): Uplifting Chabacano into modern art, culture, and digital spaces.
This never got to be presented and I doubt it will, so I am just sharing it on this wall today. Mahaba-habang lakbayin pa ito kaya gracias con todos, especially to those who speak Chabacano and understand the weight and the "why."
Viña ya! 



No comments:
Post a Comment