All content and recipes in this website unless stated otherwise are © Copyright Lutong Cavite™
No reproduction without prior permission.

Tuesday, November 1, 2022

Cavite City Heritage Cemeteries

Alam mo ba dalawa ang heritage cemetery sa ating ciudad 😱



Ang Old Camposanto de San Pedrosa Caridad Cavite City ng 1800's nagsilbing Catholic Cemetery ng ciudad. Tinatawag din itong Pantheong Romano o Sementeryo San Pedro, San Roque. Dito inililibing ang mga namamayapang Caviteño na binyagan bilang Kristiyano. Ang mga hindi binyagan ay inililibing naman sa sementeryong malaki na sa bandang huli ay tinawag na Sementeryong Aglipay.




Ang isa pa ay ang Cementerio de los Chinos na pagmamay-ari ng prominenteng pamilya Osorio. Ito ay mas kilala ngayon sa taguring "Pantyong Insik." At alam mo rin ba na hiwalay ang libingan ng mga intsik nuon dahil mas mababang uri ng mga tao ang tingin sa kanila. Mas mababa pa sa indio na kabaliktaran ngayon kung saan sila na ang nagmamay-ari ng malalaking negosyo sa ating bansa.


Ya pudi ya ba yu anda na pantheon andinanti o di anta pa lang tu ora?

For more DETAILED history research and readings kindly follow and visit this two FB Pages :
Historia Caviteña
Makasaysayang Cavite, Noon at Ngayon

#ReminiscingTheOldCaviteCity
#CaviteCityNostalgia

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...