All content and recipes in this website unless stated otherwise are © Copyright Lutong Cavite™
No reproduction without prior permission.

Tuesday, November 5, 2024

BUENAS!

Alam mo ba???


Kung ikaw ay lumaki sa tahanang nagsasalita ng Chabacano, alam mong ang pinakasikat na pagbati ng mga tunay na pamilya at tunay na mamamayan ng ciudad ay hindi "Bienvenido" o "Bienvenida".
Walang gumagamit ng salitang ito, lalo na sa pang-araw-araw na pagbati, kahit na madalas itong ginagamit ng iilan pag may sulpot ganap na Chabacano lalo sa mga imprenta o display na materyal. Sa halip, ang tunay na sinasabi ng lahat ng lehitimong Chabacano sa ciudad sa isa't isa ay "BUENAS!"
Kasunod nito ay ang pagtawag sa "Nyol," "Nyora," "Primo," "Prima," o kung sino man ang kausap na nakasalubong o sinadyang puntahan.
๐Ÿ“ท CTTO

Friday, August 23, 2024

Circle of Chabacano Dreams, Inc.

 


The book was written and completed only last April 2024 and things went too fast from one after another. Lutong Cavite is now part of the Chabacano and cultural heritage NGO named, Circle of Chabacano Dreams, Inc. headed by Ms. Che Enriquez. Incidentally our SEC registration was granted August 16 - Feast of San Roque. Gracias for the guidance Seรฑor.


  Exciting times ahead for the love of Chabacano Caviteรฑo and cultural heritage. 

Friday, May 31, 2024

๐„๐ฅ ๐๐ซ๐ข๐ฆ๐ž๐ซ๐จ ๐‚๐‡๐€๐๐€๐‚๐€๐๐Ž ๐‚๐€๐•๐ˆ๐“๐„ร‘๐Ž ๐ƒ๐ข๐œ๐œ๐ข๐จ๐ง๐š๐ซ๐ข๐จ ๐•๐ข๐ฌ๐ฎ๐š๐ฅ

 ๐ŸŽ‰ It's Finally Out! ๐ŸŽ‰

One of the best ways to preserve Chabacano is by teaching it to children through engaging and enjoyable visual learning materials. 

The Chabacano dictionary project began in March 2024 when Ms. Che Enriquez, one of the influential stakeholders in the city decided to privately finance and collaborate with Lutong Cavite to publish a Chabacano dictionary specifically designed for children. Her goal was to create an engaging and educational resource that would help preserve and promote the Chabacano language among younger generations. After nearly two months of organizing content, designing the layout, and managing the publishing process, the project was finally completed.

With ๐„๐ฅ ๐๐ซ๐ข๐ฆ๐ž๐ซ๐จ ๐‚๐‡๐€๐๐€๐‚๐€๐๐Ž ๐‚๐€๐•๐ˆ๐“๐„ร‘๐Ž ๐ƒ๐ข๐œ๐œ๐ข๐จ๐ง๐š๐ซ๐ข๐จ ๐•๐ข๐ฌ๐ฎ๐š๐ฅ, we hope to finally address the long-standing city need for basic Chabacano teaching resources for young learners.

By imparting Chabacano to children, we ensure the preservation of our city's unique traditions, customs, and values passed down through generations. Chabacano Caviteรฑo is not just a means of communication; it embodies the essence of Cavite City's history, social norms, and collective experiences.

On behalf of Ms. Che Enriquez, our generous publisher who spearheaded this Chabacano Caviteรฑo preservation advocacy project, we extend our heartfelt thanks.

MARAMING-MARAMING SALAMAT PO! GRACIAS! ๐Ÿ™


#ChabacanoCaviteรฑo

#LearnChabacanoCaviteรฑo

#SerbisyongEnriquez

#SaveChabacanoDelCiudadDeCavite



Sunday, May 26, 2024

Stuffed Baked Peppers


Ingredients:
1 can tuna
1 small white onion chopped
1/2 cup cooked white rice
bell peppers
spaghetti sauce
salt and pepper to taste
grated quickmelt cheese
breadcrumbs (optional)

Procedure:
Preheat oven to 350 degrees F.ees C).
In a skillet over medium heat, saute onions and tuna. Set aside.
Remove and discard the tops, seeds, and membranes of the bell peppers.
Arrange peppers in a baking dish with the hollowed sides facing upward.
In a bowl, mix the tuna, cooked rice, spaghetti sauce, salt, and pepper.
Spoon an equal amount of the mixture into each hollowed pepper. Top with grated cheese and breadcrumbs.
Bake until the peppers are tender.

Monday, May 13, 2024

Gervasio Pangilinan

Gervasio Pangilinan was born to Doroteo Reyes Pangilinan and Nicolasa Basilio Enriquez. Recognized for his valuable contributions, General Mariano Trias appointed him as Primer Tiniente de Sanidad del Ejercito Filipino. Serving as Municipal President in 1919, he actively participated in local governance. In 1926, he embarked on a significant endeavor by penning "La Historica de Cavite," widely regarded as the first compiled history book of Cavite. At the age of 69, Gervasio Pangilinan passed away on May 13, 1945. His remarkable contributions to Cavite's history and literature were posthumously recognized with an award from the Jaycees Association in 1975 and by Mayor Timoteo Encarnacion in 2000. In June 13, 2001, the Cavite Studies Center conferred upon him the title of "Historiador at Rebolusyonaryo" or Historian and Revolutionary. We express our gratitude for his profound impact on our society and commend his brave efforts in documenting the history of Cavite, a work dedicated to the people of Cavite. In 2021, his centennial year, his house was symbolically declared a heritage house by his descendants, further honoring his legacy.

Saturday, March 9, 2024

๐‚๐ก๐š๐ฏ๐š๐œ๐š๐ง๐จ ๐จ ๐‚๐ก๐š๐›๐š๐œ๐š๐ง๐จ? ๐€๐ฅ๐ข๐ง ๐›๐š ๐š๐ง๐  ๐ญ๐š๐ฆ๐š?

Buenas mga Kalutong Cavite !

Kamakailan ay may ginanap na poetry reading sa ating ciudad pero ang nakakalungkot titulo pa lang mali na agad ang ginamit ng mga bumuo nito. 

Ano nga ba ang tamang tawag sa lengwahe ng ating ciudad?

Ang Chabacano ay isang wika na ipinamana sa ciudad ng Cavite ng mga ninuno nito. Ito ay isa sa mga uri ng lengwaheng kreol at nag-iisang Indo-European of origin na sinasalita sa iba't ibang rehiyon ng bansa.

Sa lahat ng mga iba't ibang bersyon nito, ang sa ating ciudad ang pinakapuro dahil ito ay halong Kastila at Tagalog lamang. Chabacano o Chavacano ay parehong tama subalit alam mo ba mula noon pa sa ating ciudad, ang ginagamit na ay Chabacano na may titik "B" at hindi "V".

Isa sa mga pangunahing grupo na nagpanukala ng pagsulong sa preserbasyon ng Chabacano ay itinatag noong dekada singkwenta hanggang sisenta na kilala bilang Circulo Chabacano Caviteรฑo

Binuo ito ni Mr. Ilustre Reyes at ang isa sa mga pinakakilalang miyembro nito ay si Eliodoro Ballesteros, isang makata. 

Si Nyol Doro, ang sumulat ng tatlong magagandang soneto para sa Our Lady of Porta Vaga, ngunit ang pinakatanyag niyang likha ay ang El Chabacano Caviteรฑo na ginamit sa inagurasyon ng grupo.


Makikita na mula sa pamagat ng grupo, sa event decoration hanggang sa kanyang pinaka popular na tula, ang lahat ay Chabacano na titik "B."

Matapos ang ilang dekada si Sir Enrique Escalante naman ang naging isa sa mga masidhing nagtulak ng preserbasyon ng ating Chabacano. 

Naglathala si Sir Ike ng ilang aklat na nagsisilbing gabay sa tunay na lengwahe ng ating ciudad hanggang ngayon. 

Sa kanyang panahon, nagkaroon tayo ng Dia De Chabacano na isang taunang pagdiriwang. 

Nagkaroon din ng mga klase para sa mga bata at sa interesadong matuto. 



Ang lahat ng mga poster at backgrounds ng kanyang ganap, pati na mga pamagat ng kanyang aklat, Chabacano na titik "B."

Nang panahon ni Mayor Tim Encarnacion at kasagsagan ng City Library, nagkaroon din ng grupo na layuning itaguyod ang ating Chabacano. 

Ito ay tinawag na Asociacion Chabacano del Ciudad de Cavite sa ilalim ni Mr. Jose A. dela Rosa. Ang pinaka-importanteng proyektong pamana ng grupo sa ciudad ay ang pagbuo ng Diccionario Chabacano


Suportado noon ng parehong lokal na gobierno pati ng administrasyon ng pinakamalaking pribadong eskwelahan ng lungsod na San Sebastian College Recoletos de Cavite sa pamumuno ni Rev. Fr. Emilio Jaruda Jr. ang pagsusulong ng preserbasyon ng Chabacano. 

Makikita ulit na mula sa pangalan ng grupo hanggang sa pamagat ng libro, lahat ay Chabacano na titik "B." 

Nagkaroon din noon Chabacano classes sa St. Joseph College na kolaborasyon ng eskwela at San Roque Parish Church sa pagsusulong ni Fr. Dominador Medina. Makikitang sa t-shirts na suot ng isang klase na pinangungunahan ng isa sa naging guro nito na si Mr. Dave Salivio ay Chabacano na titik "B." 

Maging ang karatula sa harap mismo ng San Roque Parish Church na pinakahuling nagsulong ng preserbasyon sa pamamagitan ng mga misa ay Chabacano na titik "B." 



Sa mga nakaraang iilang online seminar ng ito ay mauso, lahat ng mga nag-organisa tulad ng Cavite State University para sa ating lengwahe ay gumamit ng Chabacano na titik "B." 



Mr. Arnel Beruete ng sikat na Tony's Bakery ay umakda at naglunsad kamakailan ng Chabacano poetry book na pinamagatang Un voz caviteรฑo. Ang ginamit sa lahat ni Mr. Beruete ay Chabacano na titik "B"



Ang mga kamakailang mga bagong facebook post na inilalabas ng Cavite National High School Library bilang pagpupugay sa Chabacano ay gumagamit din ng titik "B."

Sa konklusyon lahat ng mga naging tagapagtaguyod, mula noon, pati sa mga dokumentasyon, ay nagsasaad na Chabacano na titik "B" o mas kilalang "Chabacano Caviteรฑo" ang lehitimong tawag sa Chabacano ng ating ciudad. 

Nakalulungkot na ang mga nag-organisa ng huling event ay nag-imbento ng sariling kataga na ni minsan ay di ginamit. 

Ang totoong adbokasiya, lalo na ang layunin ay pangangalaga sa isang buhay na kayamanan ng kultura ng ating ciudad tulad ng Chabacano Caviteรฑo, hindi dapat ito basta-basta lamang. Ito ay dapat pinagplaplanuhan ng mabuti katulong ng mga totoong may alam sa lengwahe. Dapat tiyakin na tama ang lahat mula sa tawag hanggang sa nilalaman na ito ay sariling atin at hindi pinaghalo-halong ibang bersyon na mali-mali. 

Sa ganitong paraan maipapakita ang respeto at tunay na pagpapahalaga ng pagpapalaganap ng tamang impormasyon ukol sa Chabacano na yaman ng ciudad lalo karamihan ay hindi na nakakaunawa o sadyang hindi na alam ang halaga ng kasaysayan. 

Wednesday, February 14, 2024

Vista Parcial Del Cavite Arsenal

 


Ano ba ang Cavite Arsenal?

Ang Cavite Arsenal, o kilala rin bilang Arsenal de Cavite, ay isang mahalagang base militar at pasilidad para sa mga armas na itinatag noong panahon ng pananakop ng Espanya sa Pilipinas. Matatagpuan ito sa Cavite City, Cavite, malapit sa Look ng Maynila. Ang Arsenal ay naglingkod bilang pangunahing sentro para sa pagmamantini, pagkukumpuni, at produksyon ng mga barkong pandigma at armas para sa Hukbong Pandigma ng Espanya. Sa buong kasaysayan nito, naging mahalagang bahagi ito sa depensa at mga gawain sa dagat ng kolonyal na pamahalaan ng Espanya sa Pilipinas.

#ReminiscingTheOldCaviteCity
#CavitePuerto


Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...