Saturday, March 9, 2024

π‚π‘πšπ―πšπœπšπ§π¨ 𝐨 π‚π‘πšπ›πšπœπšπ§π¨? 𝐀π₯𝐒𝐧 π›πš 𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐦𝐚?

Buenas mga Kalutong Cavite !

Kamakailan ay may ginanap na poetry reading sa ating ciudad pero ang nakakalungkot titulo pa lang mali na agad ang ginamit ng mga bumuo nito. 

Ano nga ba ang tamang tawag sa lengwahe ng ating ciudad?

Ang Chabacano ay isang wika na ipinamana sa ciudad ng Cavite ng mga ninuno nito. Ito ay isa sa mga uri ng lengwaheng kreol at nag-iisang Indo-European of origin na sinasalita sa iba't ibang rehiyon ng bansa.

Sa lahat ng mga iba't ibang bersyon nito, ang sa ating ciudad ang pinakapuro dahil ito ay halong Kastila at Tagalog lamang. Chabacano o Chavacano ay parehong tama subalit alam mo ba mula noon pa sa ating ciudad, ang ginagamit na ay Chabacano na may titik "B" at hindi "V".

Isa sa mga pangunahing grupo na nagpanukala ng pagsulong sa preserbasyon ng Chabacano ay itinatag noong dekada singkwenta hanggang sisenta na kilala bilang Circulo Chabacano CaviteΓ±o

Binuo ito ni Mr. Ilustre Reyes at ang isa sa mga pinakakilalang miyembro nito ay si Eliodoro Ballesteros, isang makata. 

Si Nyol Doro, ang sumulat ng tatlong magagandang soneto para sa Our Lady of Porta Vaga, ngunit ang pinakatanyag niyang likha ay ang El Chabacano CaviteΓ±o na ginamit sa inagurasyon ng grupo.


Makikita na mula sa pamagat ng grupo, sa event decoration hanggang sa kanyang pinaka popular na tula, ang lahat ay Chabacano na titik "B."

Matapos ang ilang dekada si Sir Enrique Escalante naman ang naging isa sa mga masidhing nagtulak ng preserbasyon ng ating Chabacano. 

Naglathala si Sir Ike ng ilang aklat na nagsisilbing gabay sa tunay na lengwahe ng ating ciudad hanggang ngayon. 

Sa kanyang panahon, nagkaroon tayo ng Dia De Chabacano na isang taunang pagdiriwang. 

Nagkaroon din ng mga klase para sa mga bata at sa interesadong matuto. 



Ang lahat ng mga poster at backgrounds ng kanyang ganap, pati na mga pamagat ng kanyang aklat, Chabacano na titik "B."

Nang panahon ni Mayor Tim Encarnacion at kasagsagan ng City Library, nagkaroon din ng grupo na layuning itaguyod ang ating Chabacano. 

Ito ay tinawag na Asociacion Chabacano del Ciudad de Cavite sa ilalim ni Mr. Jose A. dela Rosa. Ang pinaka-importanteng proyektong pamana ng grupo sa ciudad ay ang pagbuo ng Diccionario Chabacano


Suportado noon ng parehong lokal na gobierno pati ng administrasyon ng pinakamalaking pribadong eskwelahan ng lungsod na San Sebastian College Recoletos de Cavite sa pamumuno ni Rev. Fr. Emilio Jaruda Jr. ang pagsusulong ng preserbasyon ng Chabacano. 

Makikita ulit na mula sa pangalan ng grupo hanggang sa pamagat ng libro, lahat ay Chabacano na titik "B." 

Nagkaroon din noon Chabacano classes sa St. Joseph College na kolaborasyon ng eskwela at San Roque Parish Church sa pagsusulong ni Fr. Dominador Medina. Makikitang sa t-shirts na suot ng isang klase na pinangungunahan ng isa sa naging guro nito na si Mr. Dave Salivio ay Chabacano na titik "B." 

Maging ang karatula sa harap mismo ng San Roque Parish Church na pinakahuling nagsulong ng preserbasyon sa pamamagitan ng mga misa ay Chabacano na titik "B." 



Sa mga nakaraang iilang online seminar ng ito ay mauso, lahat ng mga nag-organisa tulad ng Cavite State University para sa ating lengwahe ay gumamit ng Chabacano na titik "B." 



Mr. Arnel Beruete ng sikat na Tony's Bakery ay umakda at naglunsad kamakailan ng Chabacano poetry book na pinamagatang Un voz caviteΓ±o. Ang ginamit sa lahat ni Mr. Beruete ay Chabacano na titik "B"



Ang mga kamakailang mga bagong facebook post na inilalabas ng Cavite National High School Library bilang pagpupugay sa Chabacano ay gumagamit din ng titik "B."

Sa konklusyon lahat ng mga naging tagapagtaguyod, mula noon, pati sa mga dokumentasyon, ay nagsasaad na Chabacano na titik "B" o mas kilalang "Chabacano CaviteΓ±o" ang lehitimong tawag sa Chabacano ng ating ciudad. 

Nakalulungkot na ang mga nag-organisa ng huling event ay nag-imbento ng sariling kataga na ni minsan ay di ginamit. 

Ang totoong adbokasiya, lalo na ang layunin ay pangangalaga sa isang buhay na kayamanan ng kultura ng ating ciudad tulad ng Chabacano CaviteΓ±o, hindi dapat ito basta-basta lamang. Ito ay dapat pinagplaplanuhan ng mabuti katulong ng mga totoong may alam sa lengwahe. Dapat tiyakin na tama ang lahat mula sa tawag hanggang sa nilalaman na ito ay sariling atin at hindi pinaghalo-halong ibang bersyon na mali-mali. 

Sa ganitong paraan maipapakita ang respeto at tunay na pagpapahalaga ng pagpapalaganap ng tamang impormasyon ukol sa Chabacano na yaman ng ciudad lalo karamihan ay hindi na nakakaunawa o sadyang hindi na alam ang halaga ng kasaysayan. 

2 comments:

  1. I appreciate the depth of your knowledge and the way you share it.

    ReplyDelete