Tuesday, October 8, 2019

Comparza de San Jose in 1930's

COMPARZA composed of young men and women dressed up in costumes marching proudly, singing christmas carols, moving drill all in unison. The objective was to serenade the well-off families for monetary consideration. Too bad this is one of the unique Cavite City tradition that got lost with time.

Here is an article Mr. Danny Barreyro wrote after this Comparza photo I got from the baul of my grandparents was posted few years ago.


Good Morning Klasmeyts: Kagabi ay naipost ko ang isang picture ng Comparza de San Jose in the late 60s at umani ng marami-rami ding mga comments at may mga katanungan na ditto ko sasagutin. Ito ang isang picture na masasabi kong mga naunang Comparza de San Jose in 1930s.

Ayon sa aking mga parents na born in 1914 (Mamang), at 1917 (Papang), ang nag-organized ng Comparza ay si Don Adriano Arcedera na unang may-ari ng Cine Perla, at isa sa mga nagging Chief of Police ng Cavite City. In the 50s na nagkaisip na ako, ang pumalit ay si Senyor Pacing "Mestizo" Rodriguez; ang sumunod ay ang tinatawag na si Caloy Kulugo na taga Gangley na member ng Boy Scout Explorer Drum and Bugle Corps; at ang pinakahuli ay si Niol Peping Picache hanggang sa ito ay tuluyan ng mawala.

Halos ang buong San Roque, San Antonio, at Caridad ang napupuntahan ng mga Comparzas dahil walking distance at hindi sila umabot sa Santa Cruz at Dalahican. Hindi po ako nagging member ng Comparza at okey na sa akin ang sumama sa kanila sa pananampatan sa mga bahay bahay hanggang Calumpang, na doon nakita ko ang isa kong classmate na si Ligaya Bravo (RIP). Ang procedure ng pananampatan ay binibigay in advance ang isang sulat na may sobre na nagsasabing mananampatan ang Comparza sa ganoong araw at petsa, at oras, kaya anticipated na ng mga bahay bahay ang pagdating sa oras na nabanggit. Pangkaraniwan in the 50s and 60s na ang ibinibigay ay P1.00 papel, yes piso lamang, pero ang katumbas ng halagang iyon sa ngayon ay masasabi kong more or less P300.00 sa kasalukuyan. Mangyari kasi ang isang ballot ng pancit sa alinmang sikat na restaurant ay 50 centavos lamang, kaya kung dalawang ballot na sa pangkasalukyang halaga ng pancit ay tig P150.00 na.. kaya, nasa P300 na ang halaga noon ng P1.00.

Kapag ang naibigay ng may bahay ay mahigit sa P1.00 ginagawang dalawang kanta, sa gayon lalong masiyahan ang may bahay. Sari-saring kantang pamasko ang inaawit nila na ang karamihan ay composed pa ni Don Arcedera. Tulad ng Ay, Ay, Naku... dale ya pronto, aquel nisos Aguinaldo pa, para tiene con el compra Siopao... ha ha ha ha...

Tuwing matapos ang New Year's Eve ay nagkakaroon ng competition ang Comparza, kasali ang Calumpang, San Antonio, Rosario, at Tagarinas/Cagayan. As usual, hanggang sa tuluyan ng mawala ang Comparza ay walang tumalo sa San Jose, dahil ang kanilang marcha ay hawig sa Boy Scout Explorer na si Caloy K ang matiyagang nagtuturo. Ang pinaka pambato nila ay ang iiwan ang kanilang Sombrero sa gitna ng parade ground talos aalis sila sa puwesto habang nagmamartsa na ang naiwang sombrero ay mababasa ang S J meaning San Jose tapos saka nila babalikan ang kanilang dating puwesto. May oras ang competition kaya kung ilang araw itong iniinsayo. Noong una, ang competition ay ginaganap isang araw na matindi sa Bakanteng Lote sa Cagayan, ng lumaon ay sa Montano Hall na isang Gabi, at ang panghuli ay sa harap na mismo ng City Hall na dating Skating Rink...


Tulad ng pagkakabanggit ni Edna de Silos, tanging si Lando (mister niya), at Erning Picache ang siya lamang puwedeng magsimulang muli ng NEW SAN JOSE COMPARZA...

By: Mr. Danny M. Barreyro

---------------------------------------------

Comparza de San Jose - 1959-60... Even decades had passed by, still I can name almost all of the members but 4. Therefore I will rename them later.. Cora de Silos was happy to see their old house at the left, where her father Mang Pinong used to cut hair on his swiveling chair; and far right another barber, his brother Mang Yayong whose house is on the right.. I was on my 14th year in this pic, 3rd year high school student... No, I am not on the pic as I was never been a Comparzero...

Photo Credit : Danny M. Barreyro

No comments:

Post a Comment