Friday, December 16, 2022

Cumbancheros de Barrio San Jose

CUMBANCHEROS is a small group of 5-8 of musical-minded young men using instruments like the harmonica, guitar, maracas, bongos, & conga drums. Their costume was similar to Spanish rumba attire.



Here is a short article post by the late: Mr. Danny M. Barreyro


CUMBANCHEROS de Barrio San Jose

Alam ba ninyo na ang Barrio San Jose ng Cavite City bukod sa Comparza ay nagkaroon din ng Cumbancheros na ang mga instrumento ay Silindro, Gitara, Maracas, Bongo, at Tom Tom at ang uniforme nila ay kahalintulad ng mga nagsasayaw ng Mambo na maluluwang ang mga long sleeves na manggas. Ang mga miembro nito ay sina Boy Mamert (my brother), Orens Schubert, Eboy Trinidad, Ping Mendoza (my cousin), Dari, Plata, at si Tim Encarnacion (Ex Mayor). Kaninang kausap ko si brother thru telephone wala na siyang souvenir picture nito, kaya kumuha na lamang ako sa internet ng kawangis. FYI ang Cumbancheros ay isang grupo na kumakanta at tumutugtog sa mga bahay bahay tuwing magpapasko similar to Comparza at Carollers. Ito ang isang nawala na sa kasaysayan ng Cavite City na nagsimula pa ng matagal na panahon until 1950s. Di ko alam kung mayroon ding Cumbancheros sa ibang districts o barrios ng Cavite City. Nakita ko pa ang naturang larawan nilang grupo at mga instrumento na nakatago sa aming bahay sa San Jose in the 50s... Kaya, pakitanong rin ninyo kung alam ito ng inyong mga magulang o grandparents...




No comments:

Post a Comment